Possibilities.

I do my thing and you do yours. I am not in this world to live up to your expectations, and you are not in this world to live up to mine. :)

“Sorry nagka-amnesia kasi ako eh. Hindi kita maalala.”

May ganyan sa “My Amnesia Girl” dba? Yung nung nagkita sila sa supermarket ATA yun. Hindi man yan na yan. Pero may part dyan na medyo yan. Anudaw?! Hahahaha. Kung hnd nyo feel basahin then feel free to skip.

Bakit ko to na-post? Wala.. Naisip ko kasi sa sobrang dami na ng heartaches na nararanasan at dala-dala ko, parang gusto ko na lang magka-amnesia. Yung amnesia na siya lang yung hindi ko maaalala. Yung sa isang iglap hnd mo na agad sya tanda, lahat ng memories na naiwan nya sayo, lahat ng sakit na tanging siya lang ang nakapag-paranas sayo. Lahat yun, makalimutan mo. Minsan nga hinihiling ko na lang bago ako matulog na sana pagka gising ko wala na yung lahat. Pero alam ko namang imposible eh. Ginusto ko to, alam ko. Na kahit ang dami dami na ng nagsasabing tigilan ko na eh nagpatuloy pa rin ako. Syempre mahal ko eh, hnd naman kasi yun ganon kadali. Lahat tayo may kanya kanyang version ng paggng tanga pagdating sa pag-ibig. At siguro ito ung akin.

Isa sa dapat nating tandaan pagdating sa pagmamahal…

Ay yun ang PAGTITIRA PARA SA SARILI. Kahit konti lang, kahit 10% lang, kahit para sa kuko mo lang. Basta magtira ka.. Kadalasan kasi sa mga tao ngayon, binibigay na nilang lahat para sa taong mahal nila. Oo nga’t mahal na mahal na mahal mo na, oo nga’t para sayo siya na ang the one. Oo nga’t sobrang tagal niyo na.. Pero hindi yan sapat na dahilan para ibigay mo lahat ng pagmamahal mo sakanya. Hindi. Believe me.. Kasi diba sabi nga nila, “Only God knows.” Walang nakakaalam kung anong sunod na mangyayari sa inyo. Kaya habang maaga pa maging handa ka na, baka kasi dumating na sa puntong  hindi mo na talaga kayanin pag iniwan ka niya. Dun sa puntong halos mamatay ka na kasi iniwan ka ng taong akala mo ay di ka hahayaang mag-isa. Ng taong naging parashoot ng buhay mo, na kapag nawala siya e maiiwan kang MAGISA sa ere. Mahuhulog ng walang patutunguhan.. At dapat alam mo sa sarili mo na bago ka magmahal ng iba, dapat bigayan mo munang importansya ang sarili mo.. Kasi kapag iniwan ka ng taong akala mo ay forever ng sayo? Ikaw lang ang makakatulong sayo. Ikaw lang at wala ng iba..

Ang pinakamahirap gawin ay ang kalimutan ang taong binigyan ka ng napakaraming alaala.

theskullcandiii:

Lalo na yung masasayang alaala na akala mo hinding-hindi magwawakas.

(via pinagpalit)